Subject: TUNAY NA LALAKE1. Ang tunay na lalake ay di natutulog.
2. Ang tunay na lalake ay di nagte-text-back, maliban na lang kung papasahan ng load. Gayunpaman, laging malabo ang kanyang mga sagot.
3. Ang tunay na lalake ay laging may extra rice.
4. Ang tunay na lalake ay hindi vegetarian.
5. Ang tunay na lalake ay walang abs.
6. Ang tunay na lalake ay hindi sumasayaw.
7. Ang tunay na lalake ay umaamin ng pagkakamali sa kapwa tunay na lalake.
8. Ang tunay na lalake ay laging may tae sa brief.
9. Ang tunay na lalake ay di naghuhugas ng pinagkainan o nagliligpit ng kanyang mga gamit dahil may babaeng gagawa noon para sa kanya. Mas lalong nagiging tunay ang pagkalalake kung di niya kilala o di niya maalala ang pangalan ng babae.
10. Ang tunay na lalake ay di nagsisimba.
B1 AT B2: DI TUNAY NA LALAKE
Ang tunay na lalake, di nagpi-pyjama dahil hindi natutulog. Isa pa, di dapat nagtatabi ang dalawang saging -- lalo na sa kama
ALIMANGO: DI TUNAY NA LALAKE
dahil ang tunay na lalake hnd nangungurot
LABANG PACQUIAO VS. HATTON: DI TUNAY NA LALAKEAng tunay na lalake, hindi agad natatapos.
DRAGON BALL Z: DI TUNAY NA LALAKE
Ang tunay na lalake, hindi nagpupunta kung saan-saan para maghanap ng balls
WOLVERINE: DI TUNAY NA LALAKEAng tunay na lalake ay 'di nangangalmot at kapag siya ay tinangkahang kalmutin sa likod ng isang tunay na babae one step ahead na s'ya.
ZAC EFRON: DI TUNAY NA LALAKE
Ang tunay na lalake, hindi kumakanta habang nagbabasketball.
MR. CLEAN: DI TUNAY NA LALAKE
Ang tunay na lalake, walang pakialam sa labada.
SUPER MARIO: DI TUNAY NA LALAKE
Alam natin ang konotasyon ng salitang "tubero" sa kulturang Pinoy. Dagdag pa du'n: Ang tunay na lalake, hindi kumakain ng star, flower, at mushroom. Dito din nag aapply ang tubero rule: Ang tunay na lalake ay kailanman hindi hahawak ng tubo.
PHILIPPINE SENATE: TUNAY NA LALAKE
para sa tunay na lalake, wala nang mas mahalaga pa sa Katrina Halili-Hayden Kho scandal.